Pinoy VOTE

Philippine Election, Politics and Controversies

Pagpapaliban sa barangay, SK elections minamadali
source : GMANews.TV   
Tuesday, 04 September 2007 05:56
Posibleng isalang na sa plenaryo ng Kamara de Representante ang panukalang batas na ipagpaliban ang nakatakdang halalan para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre 29.

Inaprubahan ng House committee on suffrage and electoral reforms noong Biyernes ang panukalang batas nagtatakda ng panibagong petsa ng halalan sa ikalawang Lunes ng Mayo sa 2009.

Sa ulat ng dzBB radio nitong Lunes, sinabi ni Makati Rep. Teodoro "Teddy Boy" Locsin, tagapangulo ng komite, na “unanimous" ang desisyon ng mga miyembro na iatras ang halalan.
Kabilang sa mga naghain ng panukala sa Kamara para ipagpaliban ang magkasabay na halalan ay sina Reps. Edgardo Gullas (Cebu) at Jesus Madrona (Romblon).

Nagkakaisa sina Gullas at Madrona na hindi makabubuti sa pamahalaan na gumastos muli ng malaking halaga samantalang katatapos lang ng May 14 midterm elections.

Sa 2007 General Appropriations Act, naglaan ang Kongreso ng P9.17 bilyon sa Commission on Election. Halos kalahati na nito o P5.2 bilyon ang nagastos sa nagdaang halalan.

Tinatayang P2.131 bilyon ang gagastusin ng Comelec para sa barangay at SK polls.

Nagpahayag ang Comelec na tuloy ang halalan sa Oktubre 29 kung walang ipapasang batas ang Kongreso na nagtatakda sa panibagong petsa ng halalan.

Inihahanda na umano ng komite ni Locsin ang ulat para iendorso sa plenaryo ang panukala sa pagkansela ng magkasabay na eleksyon. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Comments (0)Add Comment

Write comment
smaller | bigger

security code
Write the displayed characters


busy
Last Updated ( Wednesday, 07 May 2008 11:08 )
 
Related Articles

Newsflash

MANILA, Philippines—President Pervez Musharraf of Pakistan resigned from office on Monday rather than face impeachment after ruling the country for nine years under a military dictatorship.
Read more...

Google Search

WebpinoyVOTE

Sponsored Links

The Mindanao Conflict

Govt troops capture 15 MILF rebel strongholds

article imageThousands of troops backed by air and artillery fire have captured 15 Muslim guerrilla strongholds in the southern Philippines after five days of intense fighting, while more than 272,000 villagers...
+ Full Story

More News

Alexa Rank

Who's Online

We have 42 guests online
You are here  : Home