Pinoy VOTE

Philippine Election, Politics and Controversies

source : GMANews.TV   
Tuesday, 04 September 2007 06:00
Matutuloy na ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre sa kabila ng mga panawagan na ipagpaliban ito muli hanggang sa susunod na taon, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes.

Nagpahayag si Comelec chairman Benjamin Abalos sa dzBB radio na itutuloy ang eleksyon kung hindi tututol ang House of Representatives at Senado sa pagsasagawa nito sa ika-29 ng Oktubre.

Alinsunod sa batas, magkakaroon ng gun ban sa bansa isang buwan bago ang eleksyon at magpapatuloy hanggang kalagitnaan ng Nobyembre o 15 araw matapos ang nasabing eleksyon.
Ayon kay Abalos, makikipagkita siya sa mga miyembro ng Kongreso para pag-usapan ang detalye ng darating na botohan sa barangay at SK.

Ilang beses na ring ipinagpaliban ang halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan dahil sa kakulangan ng pondo at hindi kahandaan diumano ng Comelec upang masiguro na magiging maayos ang proseso.

Nitong Miyerkules, napagdesisyunan ng committee en banc na magtalaga ng reserve officers at kadete ng National Service Training Program upang tumulong sa pagsasaayos ng halalan.

Nauna nang nagpasa ng panukalang batas si Cebu Rep. Edgardo Gullas upang ipagpaliban ang halalan hanggang sa Enero 2008.

Dahil diumano sa kakulangan ng pondo mula sa pamahalaan matapos ang May 14 elections, dapat ay hindi ituloy ang eleksyon sa Oktubre.

Sa ilalim ng 2007 General Appropriations Act, naglaan ng P9.17 bilyong budget para sa Comelec.

Halos kalahati nito o P5.2 bilyon ay nagastos sa eleksyon noong Mayo at ang barangay at SK elections naman ay gagastos ng P2.131 bilyon.

Nagbigay ang Department of Budget and Management ng P139 milyon para sa pagpapatala ng mga botante sa SK.

Umalma si Sen. Aquilino Pimentel Jr sa panukalang ipagpaliban ang eleksyon dahil hindi umano ito tamang hakbang.

Ayon kay Pimentel, ang pagpapaliban ng eleksyon ay magpapatagal lamang ng termino ng mga kurakot na opisyal ng barangay at SK. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV
Comments (0)Add Comment

Write comment
smaller | bigger

security code
Write the displayed characters


busy
Last Updated ( Wednesday, 07 May 2008 11:08 )
 
Related Articles

Google Search

WebpinoyVOTE

Sponsored Links

The Mindanao Conflict

Govt troops capture 15 MILF rebel strongholds

article imageThousands of troops backed by air and artillery fire have captured 15 Muslim guerrilla strongholds in the southern Philippines after five days of intense fighting, while more than 272,000 villagers...
+ Full Story

More News

Alexa Rank

Who's Online

We have 31 guests online
You are here  : Home Home Election Barangay, SK elections tuloy sa Okt. 29 - Comelec